Sirang Plaka

Sirang Plaka
Tula na aking alay alang-alang sa aking namumukod-tangi at nagiisang sinta…
By: Julian Javier
Date: October 31, 2012 @ 10:40AM GMT +8
 
 

Sa bawat saglit na patuloy bagaman paunti-unting nawawaglit
 
Mithiin ng aking puso’y nagmimistulang mapaghangad na paslit
Na siyang walang tigil at patuloy ang ligalig at pangungulit
Para sa inaasam-asam na laruang tanghal na ninanais nitong makamit
Para sayo’y ang aking puso’y naghahangad at nagsusumamo paulit-ulit
Sa bawat saglit na patuloy bagaman paunti-unting nawawaglit
 
 
Para sa’yo na walang kapantay at natatanging ikaw
 
Ang aking puso’t isipa’y ikaw lamang ang siyang sinisigaw
Na tila ba’y isang kampanang walang tigil na bumabatingaw
Walang hangganan at paulit-ulit ang ngalan mo’y umaalingawngaw
Para sa iyong bukod tanging puna’y puso ko’y uhaw na uhaw
Para sa’yo na walang kapantay at natatanging ikaw
 
 
Mga alaala ko’y mistulang sirang plakang pabalik-balik ang aking pag-gunita
 
Walang ibang nilalaman kundi mga yugto ng ating namumukod-tanging pagsinta
Paulit-ulit nitong ipina-aalala ang ating pamimintuho para sa isa’t isa
Puso’t isipa’y walang ibang dalangin kundi habang buhay natin ito’y patuloy matamasa
Pag-ibig ko’y pag-ibig mo lamang ang panalangin at natatanging sadya
Mga alaala ko’y mistulang sirang plakang pabalik-balik ang aking pag-gunita
 

Meshael, ito'y aking alay para lamang sa iyo... Mahal na Mahal kita.

Meshael, ito’y aking alay para lamang sa iyo… Mahal na Mahal kita.


 

Blog Post is Copyright Protected by MyOWs.com ID number: 75420

 

Want to see more of my poetry?
Check all of my poetry’s table of contents here: Click Me!!!

 

2 responses to “Sirang Plaka

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s