Sirang Plaka

Sirang Plaka
Tula na aking alay alang-alang sa aking namumukod-tangi at nagiisang sinta…
By: Julian Javier
Date: October 31, 2012 @ 10:40AM GMT +8
 
 

Sa bawat saglit na patuloy bagaman paunti-unting nawawaglit
 
Mithiin ng aking puso’y nagmimistulang mapaghangad na paslit
Na siyang walang tigil at patuloy ang ligalig at pangungulit
Para sa inaasam-asam na laruang tanghal na ninanais nitong makamit
Para sayo’y ang aking puso’y naghahangad at nagsusumamo paulit-ulit
Sa bawat saglit na patuloy bagaman paunti-unting nawawaglit
 
 
Para sa’yo na walang kapantay at natatanging ikaw
 
Ang aking puso’t isipa’y ikaw lamang ang siyang sinisigaw
Na tila ba’y isang kampanang walang tigil na bumabatingaw
Walang hangganan at paulit-ulit ang ngalan mo’y umaalingawngaw
Para sa iyong bukod tanging puna’y puso ko’y uhaw na uhaw
Para sa’yo na walang kapantay at natatanging ikaw
 
 
Mga alaala ko’y mistulang sirang plakang pabalik-balik ang aking pag-gunita
 
Walang ibang nilalaman kundi mga yugto ng ating namumukod-tanging pagsinta
Paulit-ulit nitong ipina-aalala ang ating pamimintuho para sa isa’t isa
Puso’t isipa’y walang ibang dalangin kundi habang buhay natin ito’y patuloy matamasa
Pag-ibig ko’y pag-ibig mo lamang ang panalangin at natatanging sadya
Mga alaala ko’y mistulang sirang plakang pabalik-balik ang aking pag-gunita
 

Meshael, ito'y aking alay para lamang sa iyo... Mahal na Mahal kita.

Meshael, ito’y aking alay para lamang sa iyo… Mahal na Mahal kita.


 

Blog Post is Copyright Protected by MyOWs.com ID number: 75420

 

Want to see more of my poetry?
Check all of my poetry’s table of contents here: Click Me!!!

 

Advertisements

o kayo kayo jan! mga taong mahilig mag husga ng kapwa! mga ipokrito! eto sa inyo!

o kayo kayo jan! mga taong mahilig mag husga ng kapwa! mga ipokrito! eto sa inyo!
By: Julian Javier A.K.A. The Cyber Mushroom
Date: September 18, 2009 @ 2:56PM

Ganito ang ipopost ko,
wala ako itatago sa inyo!
tikman niyo ang tunay na ako!
tikman niyo ang tama ng deretsahang salita!
walang kaplastikan!
walang ka ipokritohan!
dederetsohin ko kayo!

ang ipokrito kapatid ng mga mahilig mag husga ng kapwa!
tawagin niyo na akong bastos at demonyo,
pero ako,
totoo akong tao!
hindi ako plastik!
galit ako sa mga ipokritong tulad niyo!

Oh, sure!

I am a piece of shit in this world full of shit…
it ain’t hard to fucking tell it naman e…
sige given…
but still…
you have no right to god damn judge me!
stupid!

Huwag niyo akong ikukumpara sa ibang mga tao…
at yung mga taong sinasabi mo…
pati ikaw…
may mga tinatagong pa ring baho!
Walang taong perpekto, tanga!
Kahit yang mga clergy niyo…
pastor sa simbahan niyo…
pari na pinangungumpisalan niyo…
mga mataas na tao na nirerespeto niyo ng todo…
kahit magulang mo…
yang tatay mo…
yang nanay mo…
yang mga taong nag palaki sayo…
na pagka taas taas ng tingin mo…
may mga tinatagong pa ring baho!
wala nang buhay na santo ngayon!
ulol!

wag mo rin sabihin na…
isa kang buhay na santo,
dahil kahit si san pedro…
na pinakasikat sa mga santo…
at pinaka matapat na disipolo ni hesu kristo…
marunong din magkamali!

Uulitin ko…

baka sakaling ‘di mo naintindihan…
HUWAG NA HUWAG MO AKONG HUHUSGAHAN!
WALANG TAONG PERPEKTO!
TANGA!
LAHAT NAGKAKAMALI!
AT ISA PA…
WALA KANG KARAPATAN!
DIYOS LANG ANG MAY KARAPATAN MAGHUSGA!

Blog Post is Copyright Protected by MyOWs.com ID number: 12095

Want to see more of my poetry?
Check all of my poetry’s table of contents here: Click Me!!!